Zombie
Favorite - one that is treated or regarded with special favor or liking.
Sa internet, Gold star represents bookmarks or favorites.
Siguro its time for me to share kung anong mga hilig ko. Para naman pag nabobore kayo eh makakuha kayo ng idea sa mga hilig ko.
Let me start with the most favorite thing i do..
EATING!!! hahahhaha
Credits pala to http://simplengbuhay-kattyflores.blogspot.com/2012/04/tuyo.html sa picture ng tuyo..
Paborito ko pong alam is tuyo. Typical pinoy, kahit may lechon at tuyo sa lamesa hindi sa pagiging echosera pero tuyo talaga ang pipiliin ko. Taga Cebu ako kaya siguro talagang mahilig ako sa tuyo.
Tapos sa junkfoods naman paborito ko is MR. CHIPS heheheh ewan ko ba, mapamula bata hanggang ngayon nakakaubos ako ng isang malaking pack ng MR. CHIPS na ako lang kumakain. Sarap na sarap kasi ako tapos hindi pa siya masyadong maalat.
Paboritong flavor ng ice cream, COOKIES AND CREAM and CHOCOLATE. Grabe ang sarap talaga, Likas talaga akong may sweet tooth. gustong gusto ko ang cookies and cream kasi gusto ko ang pagkacompliment ng flavor ng vanilla at oreo cookies. and favorite brand ko talaga eversince is SELECTA. Kasi for me iyong ice cream nila is lot more creamier than nestles and magnolia.
Sa chocolate naman, ewan ko ba, parang anak ata ako ni Willy Wonka at ang hilig hilig ko sa chocolate, anything na may flavor ng chocolate pinapatos ko talaga. And my favorite chocolate is TWIX. Una kong natikman ang twix noong grade 6 ako when my uncle brought some. and guess what? eversince i crave for TWIX, until now..
as of this time eh may 12 bars of TWIX ako sa ref namin and planning to buy tomorrow hahahah kaloka lang, ganyan ako kaaddict sa twix.
Isa pa sa mga hilig ko is peanuts, lahat ng klase ng peanuts masarap, hindi kasali ang peanuts ng babae kasi wala akong hilig doon hahahhaha. Gustong gusto ko iyong tinitinda sa mga kalsada na mani, iyong salted tapos may sili tapos may madaming bawang. Mahilig din kasi ako sa bawang na piniprito.
Sa maiinom naman tayo, sa totoo lang walang kaechosang halo, hindi ako nagsosoft drinks. I dont know hindi naman dahil sa health conscious ako pero di lang talaga ako mahilig, pag sa fast food chain pineapple juice talaga inoorder ko, pero sa mga drinks talaga mahilig talaga ako sa BUKO JUICE. wow healthy. hahaha hindi naman sa ganoon pero nasasarapan talaga ako sa buko juice pag malamig na malamig. Siguro sa dami ng buko juice na nabili ko sa kanto may hepa na ako ngayon hahahaha pero kidding aside masarap naman talaga ang buko juice pampapawi ng uhaw kesa sa softdrinks.
and for the last favorite ko, itotodo ko na, favorite food chain.. KFC, it stands to its motto, FINGER LICKIN GOOD, hindi ko gusto ang original flavor ng chicken nila pero ang talagang gustong gusto ko is ang spicy flavored na chicken nila, hindi kasi ako nauumay sa lasa unlike sa mcdo na sobrang dry ng chicken sa jollibee naman nauumay ako kasi masyadong basa ang loob, sa KFC kasi sakto lang ang crispy sa labas tapos majuicy siya sa loob na hindi nagmumukhang basa. Well except sa french fries sa KFC kasi hindi ko type and by the way KRUSHERS din isa sa mga favorite kong inoorder sa KFC
so ayan muna guys, baka susunod iba namang mga FAVORITES ang ishishare ko, Thanks for reading again, magluluto muna ako ng tuyo hehehhe .. bye. SKADOOSH!!!
pero bago iyan panuorin niyo naman ang bagong trailer ng bagong pinoy movie na I DO BIDOO BIDOO mukhang funny and entertaining, nakakamiss din ang mga musical pinoy movie tapos featured pa ang mga songs ng APO HIKING SOCIETY.