Currently Listening : ♪ TAMBAY ♪
SUNRISE....
it's a perfect example of a new start and new beginning....
masasabi ko ang paggawa ko ng blog ang magsisilbing bagong simula sa pananaw ko sa buhay,
kakaresign ko lang sa trabaho ko. so basically upon listening to the song TAMBAY relate na relate ako.
eversince bata pa ako gusto ko magkaroon naman ng blog pero parang shonga talaga ako kasi parang wala akong patience kumbaga, pero naalala ko noon during my elementary days ang hilig ko sumulat ng journals and diaries, pero ewan ko bakit biglang nawala ang passion ko na iyon.
well basically ako po ay isang tao na naninirahan sa cebu, bisaya po ako, galing sa pamilyang payak ang pamumuhay, pamilyang... ewan ko kumbaga makikita sa iba typical, pero para sa akin hindi, nakatira ako sa pamilyang mapagpanggap. kahit nga sarili ko nagpapanggap ako, ika nga sa kanta HIDING INSIDE MYSELF. Well sa mga darating na araw makikita niyo din kung gaano ka hindi typical ang pamilya ko. not in a good way but in a very negative way. Anytime kasi feeling ko may sasabog sa loob ng pamilya namin na everytime eh babagsak at babagsak din, ika nga masyadong mahina ang pundasyon ng pamilyang ito..
pero kahit ganyan ang pamilya ko blessed naman ako sa mga friends ko, barkada ko since high school, so parang almost 10 years na kaming magkasama ng barkada na karamay ko sa hirap at siyempre sa ginhawa.
so iyan lang muna ang maisheshare ko, pero sa katagalan madami dami din akong mailalagay dito sa blog total kasisimula ko pa lang, tapos ang hilig ko pa sa maraming bagay mula music, movies, books at tv series, lahat lahat na mahilig ako so madami dami din akong maisheshare sa inyo. tapos ayaw ko man ng negative vibes, well maisusulat at maisusulat ko lahat dito kasi ang dami kong angst sa katawan,
pero hopefully talaga madami akong maisusulat at gayundin may matutunan kayo sa mga pinagdadaanan at napagdaanan ko, so hanggang sa susunod.. SKADOOSH!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento