RESPONSIBILITY - the state or fact of being responsible.
nakanganga talaga ako habang nanood ng SONA ni Pnoy, hindi dahil sa kahanga hanga ang mga nagawa niya sa ating bansa kung hindi dahil hindi ako makapaniwala dahil iyong mga sinasabi niyang magagandang nangyari sa ating bansa... HINDI RAMDAM NG ORDINARYONG MAMAMAYANG PILIPINO.... pero kahit ano pang sabihin niya. its his RESPONSIBILITY na alagaan tayong mga pinoy, it his RESPONSIBILITY na magbigay ng magandang ekonomiya sa bansa para sa ikasasaya ng mga pinoy.pero who cares, hindi ako interesado. sa mga pinagsasabi niya...at tsaka hindi lang sona ni pnoy ang kinaiiinisan ko at nambwebweset sa araw ko na ito dahil habang nagsusulat ako ng blog entry ko ngayon, nagtatalo ang dalawang palaka. sinong mga palakang ito? ang aking ina at ang aking STEP FATHER. kasi naman pinapatawag si mama ng guro ng nakakabatang kapatid sa school, eh ayaw pumunta ng FEELER ko na STEPFATHER kasi hapon na daw. BOBO ba siya kahit hanggang alas 12 ng hatinggabi pa siya pumunta sa school eh pwede iyon kasi stay-in doon ang guro na iyon tapos hindi ba niya alam na anak niya ang pinag-uusapan dito? RESPONSIBILITY niya iyon.. VERY ANNOYING..... talaga itong stepfather lalo na't may argument sila ni mama, ang bobo ng mga rason parang batang nakikipag-away, putek lang.at ang mas kinakainisan ko pa is nahawa ata ang mama ko... napapayag niya ang stepfather ko na pumunta sa school, tapos hinanda na niya ang motorcycle...STEPFATHER : (to my mother) o ba't nakaupo ka pa? jan tayo na!!!MOTHER : anong gusto mong gawin ko tumambling?
aaahhhhhh.... GGRRR!!!! suko na talaga ako sa pamilyang ito.. nakakawalang ganang tumira sa bahay na mga ganitong tao ang kasama mo araw araw.
pero i dont know ewan ko talaga, bakit pa kasi nagpakasal pa ulit si mama? pilit ko talagang inuunawa sa loob ko kung bakit pa kailangang magpakasal ni mama ulit? at sa dinami daming tao itong katauhan pa ng stepfather ko ang nagustuhan niya.
sana man lang bago siya nagpakasal naisip niya kung saan hahantong ang desisyon niyang ito. alam ko makikita ko din na talagang may pagsisisi siya at nagpakasal siya ulit pero huli na ang lahat, may mga RESPONSIBILITY na siya sa asawa niyang feeling hari.
inaayos ko lang naman ang turing ko sa stepfather ko hindi dahil sa RESPONISIBILIDAD ko kundi dahil ayaw ko lang makitang masaktan mama ko..
basta alam ko ang RESPONSIBILITY ko bilang isang tao. minsan lang talaga napupuno ka at kahit anong responsibility iyan kaya mong baliin para lang masunod ang gusto mo kahit may nasasaktan ka na. Pero minsan nakakalimutan natin iyong mga responsibilities na naka-atang sa atin eh isa din sa mga dahilan kung bakit tayo nabubuhay bilang makatao, at sensitibo sa mga pangyayari. mahirap man sundin ang mga RESPONSIBILITY na nakaatang sa atin pero dapat nating isipin, obligasyon natin kung ano man ang mga nakaatang sa atin. dahil pag ikaw nagkamali hindi lang sayo may epekto kundi domino effect ang mangyayari...
so iyan muna sa ngayon ang maishishare ko mga 3pers...
hanggang sa susunod.. SKADOOSH!!!
3pqlang....sakay lang.. walang basagan .....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento