- STEPS
BAPTISM - is a Christian rite of admission, almost invariably with the use of water, into the Christian Church generally[4] and also a particular church tradition _wikipedia_
siguro nagtataka kayo bakit baptism? kasi kinuha akong ninong ng ate ng barkada ko, hindi naman siya ang unang inaanak ko, Pang 4 siya actually. Masaya naman holy na holy ang sunday.
Fun filled fun, ang saya lang, siyempre kompleto ang barkada sa kainan, basta kainan, wala kaming pinapalampas. Tapos siyempre sa isang typical na pinoy handaan hindi mawawala ang videoke/karaoke. Actually hindi talaga ako kumakanta sa public dahil alam ko ang boses ko my gosh mas maganda pa ang boses ni anne kesa sa akin,, hahhaha pero totoo po iyan. siyempre napilit ng barkada di parang BINYAG ko din iyon na kumanta sa public na daming tao and guess what kung anong kinanta ko? ALWAYS ung sayaw ng UMD noon. wow grabe nakakahiya talaga EPIC FAIL. hahhaha pero marami namang nagenjoy. Pero may barkada ako na gay, si mark, grabe ang ganda ng boses, siya ang marcelito pomoy ng barkada namin, mapalalaki or babae,,, wow.. talagang nanindig balahibo namin nung kinanta niya ang BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN at RUN TO YOU....after that napagkasunduan ng barkada na pumunta sa bahay ko para manood ng movie. Ang ganda lang ng movies na pinanood namin, (actually parang naging tradition ng barkada namin na magmovie marathon every weekends)
*SILK is a horror taiwanese movie na ang ganda ng kwento, first time kong napaiyak sa isang horror movie hindi dahil sa nakakatakot kung hindi dahil sa ganda ng kwento. starring jan si Barbie Hsu iyong Sanchai sa Meteor Garden.
tapos di pa kami nakuntento sa takotan.....
* ART OF THE DEVIL 2 is thai horror movie naman, makakarelate talaga tayong mga pinoy dito kasi ang hilig natin sa mga kulam kulam, ang ganda lang pagkatagpi tagpi ng twists ng kwento. jan ako bilib sa mga thai gumawa ng horror, nakakatakot na literally ang ganda pa ng twists
so matapos ang iyakan, sigawan at takotan, saktong sakto at tumawag ang isa pa naming barkada at nag aya na kumain sa labas. siyempre pag kain sa labas iisa lang ibig sabihin noon.. sa DORTING's BBQ wala ng iba.. at siyempre siya ang nag-aya eh di siya ang magbayad,,, at iyon confident ang loka na manlibre kasi pala bagong LOAN hahhaha at kami ang nakabinyag sa loan niya.
so dun na kami naghapunan, masayang kwentohan. ang naganap...
masasabi kung isa na naman ito sa pinakamagandang araw sa listahan ko, everytime talaga na kasama ko ang barkada ko hindi ako nalulungkot, wala akong maisip na problema... kaya mahal na mahal ko sila..
at siyangapala pinakilala na din sa XFACTOR kanina ang TOP 20, okay naman lahat ng choices nila for the top 20 pero nadisappoint talaga ako kasi hindi nakasali si OSANG, sa totoo lang mas may XFACTOR pa siya kesa dun sa sekyu na nakapasok na gusto ni charice.. pero well madami naman akong bet na nakapasok sa TOP 20 so manonood pa rin ako....
so iyan lang muna, at bilang tribute sa hindi pagkasali ni osang sa top 20
panoorin natin muli ang kanyang audition na isa sa mga best auditions ive seen....
hanggang sa muli guys.. SKADOOSH!!!
at sa bagong inaanak ko na si JOHN DAVE.... i love you...
-
3pqlang....sakay lang.. walang basagan ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento